Torpe – Patch Quiwa (Original Song)

Posted by

Sana magustuhan niyo po itong kantang sinulat ko para sa mga babaeng umaasa sa Torpe 🙂 at para na rin magka lakas ng loob na kayong mga torpe. – Patch

“Torpe” lyrics:

V1
Halata namang masaya ka sakanya
pero ang tanong ay gusto ka nga ba niya talaga?
umamin na ba?
sinabi niya ba’ng mahal ka niya?

Refrain
Baka takot yung tao
nahihiya siguro
pero minsan lang
nakakalito

Chorus
Ikaw pa ba’ng lalapit?
ikaw pa ba’ng magsasabi?
ng di niya kayang ipagtapat
o pakiramdaman nalang lahat?
kailangan mo yung may lakas ng loob
hindi mo kailangan ng torpe

V2
Hindi ko nga maintindihan ang gusto niya
nagseselos siya
nagtatampo pa
para ba’ng kami na
may pag-asa ba?
hintayan nalang ba talaga?


Refrain 2
Ayos lang ba sayong
hindi ka man sigurado
kung ano ba talaga kayo?

(Repeat Chorus)

Bridge
Hindi mo dapat nararamdamang hindi ka mahalaga
kung di niya kayang umamin
aba’y kawawa naman siya. diba?
hindi niya mararamdaman ang ‘yong pagmamahal
hindi mararanasan ang ‘yong yakap
at tamis ng ‘yong halik
kung di niya kayang maglakas loob para sayo

Chorus 2
Ako pa ba’ng lalapit?
ako pa ba’ng magsasabi
ng di niya kayang ipagtapat
o bibitawan nalang lahat?
kailangan ko yung matapang
may paninindigan
kailangan ko yung may lakas loob
hindi ko kailangan ng torpe